Skip to main content

Wikang FIlipino: Wikang Sariling atin


  Ang buwan ng Agosto ay buwan ng pagdiriwang ng ating wikang Filipino. Sa buwan ng ito, pinahahalagahan natin ang ating pambansang wika sa pamamagitan ng patuloy ng paggamit nito.Alam natin na ang wikang Filipino ay likas sa ating mga Pilipino dahil ito ang ating ginagamit ng mga naunang Pilipino sa pakikipag-komunikasyon sa mga kababayan natin. At ngayo’y ito parin ang natatanging wika na naiintindihan ng lahat ng Pilipino saan man mapunta at ginagamit rin natin ito sa pakikipagtalastasan. Maging sa ating paaralan ay ito ang pangunahing wika na ating ginagamit. Ginagamit rin natin ang wikang Filipino sa pagsulat ng mga tula, sanaysay, awit, epiko at iba pang literatura ng ating bansa.
         Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong ay “Filipino: Wika ng Saliksik” na nangangahulugan na angn ating wika ay ginagamit sa pagsaliksik para sa pagbabago at pag-unlad ng ating bansa. Ang pagsasaliksik ay ginagamit upang umunlad o lumawak ang ating kaalaman tungkol sa isang bagay. Ginagamit ang ating wika upang tayo’y matuto at makaunawa sa mga nangyayari sa ating lipunan at sa pagkuha at pagpahayag ng impormasyon sa mga tao sa ating paligid ito parin ang ating ginagamit. At sa pamamagitan ng mga ito, umuunlad at ating sarili at at ating bansa.        Ang wika natin ay wikang hindi mawawala. Ito’y ating namana mula sa ating mga ninuno at dapat nating pahalagahan at gamitin sa ating paligid. Maaaring ito’y magbago pero ang mahalaga at ginagamit at pinapahalagahan natin ito.


Reference:
http://www.greatvalueplus.ph/blog/wp-content/uploads/2015/08/BUWAN-NG-WIKA-COVER.jpg

Comments

Post a Comment